HINDI mapapanood ang lead guitarist ng Eraserheads na si Marcus Adoro sa upcoming activities ng OPM rock band, kasunod ng bagong alegasyon ng rape laban sa kanya na lumutang sa social media.
Isang reddit user ang nag-akusa kay Adoro sa pamamagitan ng post na nilagyan niya ng pamagat na “The beloved Marcus Adoro of the Eraserheads raped me when I was in high school.”
Vic Sotto, sumailalim sa cataract surgery
Rhian Ramos at Sam Verzosa, in-unfollow ang isa’t isa sa Instagram
Tagalog Voice Actor Jefferson Utanes na nasa likod ng boses nina Doraemon at Son Goku, pumanaw sa edad na 46
Pokwang, inamin na kapatid niya ang viral driver na binatukan ang lalaking nagtutulak ng kariton; comedian, nag-sorry
Nakasaad sa post na sinabi sa kanya ng musician nang mga panahon iyon na maswerte siya dahil hindi ito nag “all the way” at sinaktan din nito ang ilang indibidwal.
Inakusahan din ng umano’y rape victim ang Eraserheads at si Diane Ventura na director ng documentary film ng grupo at ex-wife ng lead vocalist na si Ely Buendia, dahil sa pagtulong kay Adoro na burahin ang records nito para kumita mula sa banda.
