PINAKAMABAGAL sa loob ng tatlong buwan ang Philippine manufacturing activity noong Hunyo.
Ayon sa S&P global, naitala sa 51.3 percent ang Philippines manufacturing purchasing managers’ index (PMI), na sukatan ng buwanang factory performance ng bansa.
Bahagya itong mas mababa sa 51.9 na nai-record noong mayo.
Ito na ang ika-sampung sunod na buwan na mas mataas sa 50 ang PMI, na senyales ng pagbuti sa operating conditions mula sa nakalipas na buwan.