INAASAHANG bababa ang presyo ng mga produktong petrolyo sa huling Martes ng Agosto.
Sa pagtaya ng Department of Energy, posibleng matapyasan ng 1 peso and 15 centavos hanggang 1 peso and 35 centavos ang kada litro ng gasolina.
ALSO READ:
Foreign Debt Service Bill, bumagsak ng halos 23% noong katapusan ng Oktubre
Bagong Batangas at Iloilo Economic Zones, inaprubahan ni Pangulong Marcos
Kita ng LRT-2 noong nakaraang taon, nabawasan dahil sa libreng sakay at mas malaking discounts
Halaga ng piso kontra dolyar bumagsak ulit sa bagong Record Low
Dalawampiso hanggang dalawampiso at dalawampung sentimos naman ang maaring ibaba sa kada litro ng diesel habang piso at siyamnapung sentimos hanggang dalawampiso kada litro sa kerosene. Paliwanag ng DOE, ang huminang global demand at ceasefire talks sa Gaza ang dahilan ng price rollback, pati na ang recovery ng oil field sa Libya na tumutulong para palakasin ang global production.
