ISANG concert sa ilalim ng mga bituin sa Kalayaan Grounds ng Palasyo ng Malakanyang ang idinaos para bigyang pagkilala ang Overseas Filipino Workers (OFWS), kagabi.
Sa video message sa ika-anim na “Konsyerto sa Palasyo,” binigyang pugay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang mga bagong bayani na nagsasakripisyo hindi lamang para sa kanilang mga pamilya kundi para sa kinabukasan ng Pilipinas.
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Aniya, ang konsyerto ay simbolo ng taos-pusong pasasalamat at pagsaludo sa hindi matatawarang sakripisyo at dedikasyon ng mga OFW upang mapabuti ang kanilang pamilya, komunidad, at bansa.
Sa okasyon na may temang “Konsyerto sa Palasyo: Para Sa Ating Mga Ofws,” nagtipon-tipon ang mga OFW at kanilang mga pamilya habang libo-libong iba pa ang nanonood sa ibang bansa sa pamamagitan ng coordinated watch parties.
