SIYAM ang patay matapos araruhin ng sasakyan ang mga tao sa isang Filipino Cultural Celebration sa Vancouver, Canada.
Ayon sa Canadian authorities, nangyari ang insidente, kahapon, sa Sunset of Fraser neighborhood, sa gitna ng pagdiriwang ng Filipino Community ng Lapu-Lapu Day.
Kinumpirma ng Vancouver police na siyam ang nasawi, kasabay ng pagsasabing, sa ngayon, ay walang kinalaman sa terorismo ang pangyayari.
Labis namang ikinalungkot ni Minister Mark Carney, kasabay ng pag-abot ng pakikiramay sa mga naulila ng mga nasawi, gayundin sa Filipino-Canadian community, at sa lahat ng residente ng Vancouver.