15 March 2025
Calbayog City
Overseas

Main UN Agency sa Gaza, nabulabog makaraang akusahan ng Israel na sangkot ang ilang staff nito sa October 7 attacks ng Hamas

united nations agency UN

Nabulabog ang pangunahing United Nations Agency sa Gaza makaraang akusahan ng Israel ang staff members nito na may kinalaman sa October 7 terror attacks ng grupong Hamas.

Sinibak ng UN Relief and Works Agency (UNRWA) ang ilang empleyado, kasunod ng naturang alegasyon.

Ang US na main donor ng UNRWA ay isa sa mga bansang itinigil ang kanilang funding sa organisasyon, kung saan labintatlunlibong indibidwal sa Gaza, ang nagta-trabaho bilang humanitarian disaster spirals sa Palestinian territory.

Sa statement, sinabi ni UN Secretary General Antonio Guterres na siyam mula sa labindalawang UNRWA staff members na sentro ng alegasyon ay sinibak na, isa ang nasawi habang biniberipika pa ang pagkakakilanlan ng dalawang iba pa.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *