LABING isa ang patay sa landslides at flash floods dulot ng malakas at tuloy-tuloy na pag-ulan sa loob ng tatlumpu’t anim na oras sa Nepal.
Ayon kay Nepali Police Spokesperson Dan Bahadur, walong katao rin ang nawawaala na posibleng tinangay ng baha o natabunan ng gumuhong lupa habang labing dalawang iba pa ang nasugatan at ginagamot sa mga ospital.
US, nangakong tutulong sa seguridad ng Ukraine sa ikakasang Peace Deal kasama ang Russia
Mahigit 40 katao, nawawala sa paglubog ng bangka sa Nigeria
67 katao, inaresto bunsod ng illegal alcohol production matapos masawi ang 23 katao sa Kuwait
Mahigit 340 katao, patay sa matinding pagbaha at pagguho ng lupa sa Pakistan
Pinayuhan naman ng Senior Official sa Sunsari District sa Southeastern Nepal, ang mga residente na mag-ingat dahil sa patuloy na pagtaas ng Koshi River na nagdudulot ng mapanganib na baha sa Eastern Indian State ng Bihar.
Umabot na sa limampu katao sa buong Nepal ang nasawi bunsod ng pagguho ng lupa, baha, at tama ng kidlat, simula noong kalagitnaan ng Hunyo nang mag-umpisa ang taunang tag-ulan sa bansa.