25 April 2025
Calbayog City
Province

Mahigit limandaang pasahero, nailigtas mula sa sumadsad na barko sa Bohol

KABUUANG limandaan at anim na pasahero ang nasagip mula sa barko na sumadsad sa mababaw na bahagi ng dagat sa Jagna Port sa Bohol.

Ayon sa Coast Guard District Central Visayas, sa pamamagitan ng mabilis at coordinated na maritime response ay nailigtas ang lahat ng sakay ng MV Lite Ferry 5.

Paalis na ang barko patungong Cagayan De Oro, nang mangyari ang insidente.

Sa inisyal na inspeksyon, wala namang internal hull damage ang barko, subalit nagpapatuloy ang Full Maritime Safety and Environmental Assessment.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).