HINDI bababa sa limampu’t tatlong kalalakihan ang minasaker sa paglaganap ng kaguluhan sa mga tribo sa Papua New Guinea.
Ayon kay Royal Papua New Guinea Constabulary Acting Superintenent George Kakas, patungo ang isang tribo sa kampo ng kalapit na kalabang tribo nang tambangan sila sa Enga Province.
Hindi inaalis ng mga otoridad na mayroon pa silang matatagpuang mga bangkay mula sa mga tumakas at nagtago sa mga kakahuyan.
Sinabi ni Kakas na maaring ito na ang pinakaraming bilang ng mga nasawi mula sa karahasan sa kabundukan.