MAHIGIT isanlibong ektarya ng kabundukan ang naapektuhan ng forest fires na tumama sa iba’t ibang bayan sa Benguet.
Batay sa ulat, pitong forest fires ang tinugunan ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa naturang lalawigan.
Tumagal ng apat na oras bago narating ng mga otoridad ang sunog sa bayan ng Tuba, kung saan apat katao ang nailigtas.
Bukod sa Tuba, nagkaroon din ng forest fires mga bayan ng Itogon, Kabayan, at Bokod.
Sa datos mula sa BFP-Cordillera Administrative Region, mahigit apatnapung forest fires na ang sumiklab sa rehiyon simula noong Jan. 1.