15 March 2025
Calbayog City
Local

Mahigit 2000 pulis ipakakalat sa Eastern Visayas upang tiyakin ang seguridad ngayong kapaskuhan

MAGDE-deploy ang PNP ng kabuuang dalawanlibo animnapu’t limang pulis sa anim na lalawigan at dalawang lungsod sa Eastern Visayas upang tiyakin ang seguridad sa mga simbahan at iba pang mga pampublikong lugar ngayong kapaskuhan.

Ayon kay Major Marjorie Manuta, Spokesperson ng Police Regional Office 8 (PRO-8), ang deployment ay bahagi ng “Ligtas Paskuhan 2023″ & Security Campaign ng PNP.

Ide-deploy ang mga pulis simula bukas, Dec. 16, kasabay ng umpisa ng simbang gabi, at ipagpapatuloy ang pagbabantay sa mga matataong lugar hanggang sa Jan. 6, 2024 o sa Three Kings na katapusan ng pagdiriwang ng kapaskuhan.

Sa mahigit dalawanlibong police personnel, 531 ang ide-deploy sa leyte; 235 sa Southern Leyte; 77 sa Biliran; 307 sa Samar; 256 sa Eastern Samar; 277 sa Northern Samar; 189 sa Ormoc City; at 192 sa Tacloban City.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *