KABUUANG dalawandaan at anim na Pilipino na nasagip mula sa scam farms at rebel groups sa Myanmar ang nakatakdang dumating sa bansa simula ngayong Lunes, ayon sa Department of Foreign Affairs.
Ayon kay DFA Undersecretary Eduardo De Vega, tatlumpung Pinoy ang inaasahang darating ngayong Lunes na susundan ng 176 pang mga Pinoy.
ALSO READ:
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Anya, ang mga Pilipino ay bahagi ng libu-libong foreign workers sa Myanmar na pwersahang pinag-trabaho sa scam farms.
Sinabi ni De Vega na napilitang magsara ang scam factories matapos silang putulan ng supply ng kuryente.
Lumala pa ang sitwasyon ng mga manggagawa nang dukutin sila ng mga armadong grupo na kumakalaban sa pamahalaan.