NAG-deploy ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng 9,405 workers para sa Quick Response bilang paghahanda sa epekto ng Super Typhoon Uwan.
Ayon sa DPWH, kabuuang 1,603 Equipments ang ipinadala rin sa Critical Areas para sa Clearing Operations at Emergency Repairs matapos ang inaasahang pananalasa ng malakas na bagyo.
Sinabi ni DPWH Secretary Vince Dizon na nagsasagawa ang ahensya ng Proactive Efforts bilang paghahanda, upang mapadali ang pagbubukas ng mga kalsada para sa Rescue at Relief Areas matapos dumaan ang bagyo sa Critical Areas.
Binabantayan din ng kagawaran ang Major Road para sa anumang Obstructions bunsod ng malalakas na hangin na dulot ng Super Typhoon. Idinagdag ni Dizon na kasado na rin ang iba pang Preventive Measures sa iba’t ibang bahagi ng bansa.




