6 August 2025
Calbayog City
National

Mahigit 880,000, nakapag-rehistro sa unang 4 na araw ng Voter Registration

UMABOT na sa mahigit 880,000 ang nakapagparehistro sa unang 4 araw ng Voter Registration.

Ayon kay Commission on Elections Chairman George Erwin Garcia ito na ang pinakamatagumpay na Voter Registration sa kasaysayan.

Ito ay makaraang naitala ng pinakamaraming bilang ng nagparehistro sa pinakamaiksing panahon.

Ang Central Luzon ang nakapagtala ng pinakamataas na turnout ng registration na umabot sa mahigit 208,000 kasunod ang Region IV-A na mayroon nang mahigit 100,000 na registrants.

Patuloy pa ang pagdaraos ng Voter Registration ng COMELEC hanggang sa August 10, 2025.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.