AABOT sa mahigit 726,000 na ektarya ng palayan sa Luzon ang nanganganib na maapektuhan ng Super Typhoon Nando at ng hanging Habagat.
Ayon sa Philippine Rice Research Institute, sa mga rehiyon ng Cordillera, Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, at Calabarzon, mayroong mahigit 623,000 ektarya ng pananim na palay ang maaaring maapektuhan.
Sa MIMAROPA naman, mahigit 102,000 ektarya ng pananim ng palay ang maaapektuhan ng bagyo at Habagat.
Bago pa ang paglapit ng bagyo ay nagpaalala na ang department of agriculture sa mga magsasaka na anihin na ang kanilang mga pananim na pwede nang anihin.




