MAHIGIT pitumpung grupo ang nakatakdang magsagawa ng kilos protesta sa ika-tatlumpu’t siyam na anibersaryo ng 1986 EDSA People Power Revolution, sa pebrero a-bente singko.
Isasagawa ng activist at civil society groups ang kanilang rally sa People Power Monument, sa makasaysayang kalsada.
Kabilang sa ipo-protesta ng taumbayan ayaw sa magnanakaw at abusado network alliance (Tama Na), ang korapsyon sa gobyerno, tumataas na presyo ng mga bilihin, at napakong pangako na bente pesos na kada kilo ng bigas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Layunin din ng protest rally na bigyang diin ang mga isyu sa national budget at mga kontrobersyal nitong alokasyon.
Nanawagan din ang “tama na” na agad simulan ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.