INAASAHANG magdye-generate ang Total Advance Future Technology (TAFT) ng Singapore ng 120 million dollars o 7.29 billion pesos na export revenue kada taon mula sa itatayong manufacturing facility sa Malvar, Bataan.
Ayon sa Philippine Economic Zone Authority (PEZA), ang initial investment sa pasilidad at 3.6 billion pesos.
Halaga ng piso muling bumagsak sa bagong record-low
Total External Trade in Goods ng Pilipinas, tumaas ng mahigit 10%
Economic team, magsasagawa ng special meeting kaugnay ng suspensyon sa fuel excise tax sa susunod na linggo
Pangulong Marcos, kumpiyansang maaabot ang 6% GDP growth sa 2028 sa kabila ng epekto ng giyera sa Middle East
Itatayo ito sa Light Industry and Science Park IV – Special Economic Zone.
Nakatakdang lagdaan agad ng kumpanya ang kanilang registration agreement sa PEZA, pagkatapos ilabas ang presidential proclamation.
Inihayag ni PEZA Director General Tereso Panga na magsisilbi ang expansion bilang catalyst for innovation, employment, and competitiveness, na magpapalakas sa potensyal ng Pilipinas na maging strategic hub para sa forward-looking investments.
