MAHIGIT limampu’t pitunlibong mga botante ang pinayagang bumoto sa pamamagitan ng Local Absentee Voting (LAV) para sa halalan 2025.
Sa datos na ibinahagi ng COMELEC, kabuuang 57,689 LAV applications ang inaprubahan ng poll body para sa nalalapit na midterm elections.
Sa naturang bilang, 1,005 ay media personnel, 29,030 ang mga miyembro ng AFP, at 23,448 ay police officers.
Samantala, 4,206 naman ay mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, kabilang ang COMELEC, Bureau of Jail Management and Penology, at Philippine Coast Guard.
Ang voting period para sa absentee voters ay magsisimula April 28 at magtatapos sa April 30 habang ang midterm elections sa bansa ay idaraos sa Mayo a-dose.