Inanunsyo ng US Central Command (CentCom) na mahigit 569 metric tons ng humanitarian assistance ang nai-deliver na sa pamamagitan ng temporary floating pier sa Gaza, subalit hindi lahat ng ayuda ay nakarating sa mga warehouse.
Nagsimulang dumating ang deliveries ng mga tulong sa pier na itinayo ng Amerika noong biyernes, sa harap ng lumalaking global pressure sa Israel na payagan ang pagpasok ng mas maraming supplies sa Gaza.
US, nangakong tutulong sa seguridad ng Ukraine sa ikakasang Peace Deal kasama ang Russia
Mahigit 40 katao, nawawala sa paglubog ng bangka sa Nigeria
67 katao, inaresto bunsod ng illegal alcohol production matapos masawi ang 23 katao sa Kuwait
Mahigit 340 katao, patay sa matinding pagbaha at pagguho ng lupa sa Pakistan
Ayon sa United Nations, sampung trucks ng food aid na ibiniyahe mula sa pier ng UN contractors, ang natanggap ng World Food Programme Warehouse sa Deir El Balah noong Biyernes.
Gayunman, pagsapit ng Sabado ay limang trucks lamang ang nakarating sa warehouse makaraang pinagkukuha umano ng Palestinians ang laman ng nasa labing isa pang mga truck.