MAHIGIT limanlibo dalawandaang mag-aaral sa elementarya at sekondarya sa mga pampublikong paaralan sa Tacloban City na tinukoy na “Nonreaders and Struggling Learners” ng Department of Education (DepEd) Schools Division, ang isinailalim sa school-based tutorials upang mapunan ang kanilang learning gap.
Sinabi ni Nilo Eder, Information Officer ng DepEd Tacloban City Schools Division, na kailangang maipatupad ang interventions upang tulungan ang mga estudyante mula sa limampu’t anim na pampublikong mga paaralan sa lungsod.
Batay sa assessment ng DepEd, pitumpu’t siyam sa mga mag-aaral ang hindi pa talaga nakababasa, habang ang natitira ay tinukoy bilang struggling learners, o nahihirapang magbasa.
Ayon kay Eder, bagaman mayroon nang improvements ay mayroon pa ring mga estudyante na nangangailangan ng tulong kaya ipinagpapatuloy nila ang kanilang mga hakbang.