MAHIGIT 500 Flood Incidents ang nai-report sa Metro Manila sa nakalipas na bente kwatro oras, sa gitna ng malalakas na pag-ulan na dulot ng Habagat at Trough ng Low Pressure Area (LPA), ayon sa Metropolitan Manila Development Authority.
Gayunman, sinabi ni MMDA Chairman Romando Artes, na as of 11 A.M. kahapon, bumaba na sa 273 mula sa 500 ang Flood Incidents, na ang lebel ng baha ay depende sa mga lugar.
Tiniyak din ni Artes ang kahandaan ng ahensya para tumugon sa hamon na dala ng hangin at ulan.
Mayroon anya silang mahigit limandaang personnel, anim na mga bus, dalawang military trucks, dalawang rubber boats, at apat na aluminum boats na naka-antabay para sa deployment.