NANAWAGAN ang Department of Transportation (DOTr) sa mga motorista na sumunod sa batas trapiko kung ayaw nilang maparusahan.
Ginawa ng DOTr ang panawagan, kasabay ng pag-anunsyo na umabot sa 420 Drivers’ Licences ang kanilang binawi, at mahigit 2,000 Show-Cause Orders ang kanilang inilabas laban sa mga Violator na kalaunan ay sinuspinde ang mga lisensya, sa loob ng anim na buwan.
Sinabi ni Transportation Secretary Vince Dizon na ito na ang pinakamataas na bilang ng Drivers’ Licenses na kinansela at sinuspinde ng DOTr at ng Land Transportation Office (LTO).
Idinagdag ni Dizon na simple lang naman ang hiling ng pamahalaan – sumunod sa batas.
Binigyang diin ng kalihim na ginagawa nila ang ganitong paghihigpit upang protektahan ang kaligtasan ng mga mamamayan sa lansangan, gaya ng mga motorista, pedestrians, at commuters.




