22 November 2024
Calbayog City
Metro

Mahigit 23,000 na Meralco customers, nawalan ng kuryente dahil sa bagyong Carina

KINUMPIRMA ng Meralco na tinatayang 23,000 ng kanilang customer sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Rizal, Laguna, Batangas, Bulacan at Quezon ang apektado ng service interruptions bunsod ng matinding buhos ng ulan at pagbaha.

Tiniyak naman ng power distributor na 24/7 silang magtatrabaho para maibalik ang kuryente sa mga apektado ng bagyong Carina.

Siniguro naman ni Meralco Vice President at Head of Corporate Communications Joe Zaldarriaga na nakatutok sila sa sitwasyon at handang umagapay ang kanilang mga crew para isaayos ang linya ng kuryente oras na humupa na ang baha.

Nagbigay rin sila ng payo sa mga binaha na siguruhin nakapatay ang circuit breaker at kung hahawak man sa alinmang electrical facility ay kailangang tuyo ang kanilang katawan.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).