ISINASAILALIM ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa assessment ang mahigit dalawampunlibong mahihirap na pamilya sa Eastern Visayas na classified bilang “Not Found” sa listahan 3 database.
Sinabi ni DSWD Regional Information Officer Jonalyndie Chua na pagkatapos ng holiday break, ipinagpatuloy nila ang second round ng special assessment para sa mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4PS) na nagsimula noong nakaraang taon.
Ipinaliwanag ni Chua na layunin ng asessment na matiyak na lahat ng 4PS beneficiaries ay kabilang sa listahan database, magagamit ng tama ang inilaang pondo ng pamahalaan, at lahat ng benepisyaryo ay makatatanggap ng ayuda mula sa iba’t ibang social protection programs at services.
As of Dec. 31, 2023, halos animnalibo ng target 4PS families sa anim na lalawigan sa Eastern Visayas ang na-interview na ng DSWD personnel.