MAAGAP na inilikas ang 238 families sa Maslog, Eastern Samar, kasunod ng malakas na pag-ulan mula sa Shear Line na naging dahilan ng pag-apaw ng Maslog River.
Sa statement, sinabi ng Municipal Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) na 944 individuals ang naapektuhan, kung saan ang mga evacuee ay kinabibilangan ng senior citizens, buntis, at mga bata.
ALSO READ:
Militar sa Eastern Visayas, nanawagan sa mga rebelde na magnilay-nilay ngayong Semana Santa
“Pintahang Pagkakaisa,” pinangunahan ng kabataang artists sa Tacloban City para isulong ang nasyonalismo
Halos 300 senior high student sa Leyte, na-hire on the spot sa job fairs
Higatangan Festival sa Biliran, kinansela sa gitna ng lumolobong presyo ng produktong petrolyo
Pansamantala silang nanunuluyan sa mga barangay hall at mga paaralan.
Ayon sa MDRRMO, dahil din sa pagbaha ay ilang kalsada at tulay ang hindi madaanan habang may nai-report din na power interruptions sa tatlong barangay at naapektuhan ang linya ng komunikasyon.
