DALAWANDAAN apatnapu’t isa katao ang nasawi sa mga kulungan sa El Salvador mula nang umpisahan ni President Nayib Bukele ang “War On Gangs” dalawang taon na ang nakalipas, ayon sa Humanitarian Legal Relief.
Sinabi ni Ingrid Escobar, Director ng Rights Organization, na tumanggap sila ng limandaang reports tungkol sa pagkamatay ng mga preso habang nasa kustodiya ng estado, subalit kalahati lamang nito ang kanilang nakumpirma, kabilang ang dalawang menor de edad.
Batay sa Non-Government Organization report, 44 percent ang nasawi bunsod ng serious torture habang 29 percent ay dahil sa kawalan ng medical attention.
March 2022 nang ianunsyo ni Bukele ang “state exception,” at binalewala ang maraming constitutional rights upang masawata ang mga gang na naghahasik ng takot sa Central American Nation.