KABUUANG dalawampu’t isang armas na pag-aari ng isang Barangay Chairman sa Davao City at co-accused ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Founder, Pastor Apollo Quiboloy ang isinuko sa mga otoridad.
Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group, matagumpay na napabilis ang pagsuko ng mga armas ni Cresente Canada, sa pamamagitan ng kanilang flagship program na “Oplan Paglalansag Omega.”
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Isinagawa ang pag-turnover ng mga armas sa KOJC Compound sa Barangay Buhangin sa Davao City.
Si Canada na co-accused ni Quiboloy sa mga kasong child abuse at human trafficking, ay Chairman ng Barangay Tamayong kung saan matatagpuan ang KOJC Prayer Mountain at Glory Mountain.
Sinabi ni Atty. Israelito Torreon, Legal Counsel ni Quiboloy, na ipinagkatiwala ni Canada sa mga otoridad ang lahat ng kanyang lisensyadong baril bilang gun sports collector.