13 February 2025
Calbayog City
Province

Mahigit 160 barangay sa Negros Occidental, delikado sa pag-agos ng lahar na posibleng idulot ng masamang panahon

negros occidental

Kabuuang isandaan animnapu’t dalawang barangay mula sa labindalawang munisipalidad sa Negros Occidental ang nanganganib sa pag-agog ng lahar mula sa Kanlaon Volcano bunsod ng malakas na pag-ulan na maaring makaapekto sa Visayas region.

Ayon sa office of Civil Defense, nasa 644,478 na mga residente sa apektadong lugar ang dapat manatiling alerto at maghanda sa nakaambang sama ng panahon

Sa Negros Occidental, kabilang sa mga lungsod at munisipalidad na delikado sa volcanic hazards ay ang Bago City, La Carlota City, Pontevedra, Pulupandan, San Enrique, Villadolid, Binalbagan, Himamaylan City, Hinigaran, Isabela, La Castellana, at Moises Padilla.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).