WALANG Pilipinong nasawi sa sumiklab na wildfires sa Southern California, ayon sa Philippine Consulate General sa Los Angeles.
Gayuman, sinabi ni Consul General Adelio Angelito Cruz na mahigit isandaan at limampung pinoy ang humingi ng tulong mula sa konsulado.
Nilinaw ni Cruz na wala naman sa mga ito ang nagpahayag ng intensyon na umuwi sa Pilipinas.
Tiniyak din ng Consul General na ang mahigit isandaan limampung pinoy na nananatili sa evacuation centers ay binibigyan ng sapat na pagkain, gamot, at iba pang basic needs sa pamamagitan ng iba’t ibang organisasyon na itinatag ng “good samaritans” sa LA County.