Bumoto ang United Nations General Assembly para sa demand na agarang ceasefire sa Gaza.
Isandaan limampu’t tatlong bansa ang bumoto para sa ceasefire resolution sa ipinatawag na Emergency Special Session ng General Assembly.
Sampung bansa naman ang bumoto laban sa naturang hakbang habang dalawampu’t tatlo ang nag-abstain.
Bagaman ang General Assembly vote ay politically significant at may taglay na moral weight, ito ay nonbinding, hindi tulad ng Security Council Resolution.