MAHIGIT 142,000 na disadvantaged and displaced workers sa Eastern Visayas ang nakinabang mula sa TUPAD Program ng Department of Labor and Employment (DOLE) noong 2025.
Sa kanilang year-end report, inihayag ng DOLE Eastern Visayas na kabuuang 142,825 workers sa buong rehiyon ang nakapasok sa Emergency Employment Program, kung saan mahigit 690 million pesos ang nai-release na sweldo.
Ayon kay DOLE Regional Information Officer Norma Rae Costimiano, karamihan sa mga benepisyaryo ay mula sa Samar Island na paulit-ulit na tinamaan ng mga bagyo noong nakaraang taon.




