Sa gitna ng tumataas na presyo ng produktong petrolyo, magbibigay ang Bureau of Fisheries and Qquatic Resources (BFAR) ng 42.48 million pesos na fuel subsidy sa mahigit labing apat na libong mangingisda sa Eastern Visayas ngayong taon.
Sinabi ni Christine Gresola, Information Officer ng BFAR Regional Office sa Eastern Visayas, na ang naturang bilang ng mga benepisyaryo sa ilalim ng second tranche ng programa ay mas mataas kumpara sa mahigit limanlibo pitundaang mangingisda na tamanggap ng cash aid noong nakaraang taon.
Bawat benepisyaryo ay makatatanggap ng fuel subsidy card na nagkakahalaga ng tatlunlibong piso (P3,000), na maaring gamitin sa partner at accredited gasoline stations sa rehiyon.