HINDI bababa sa labing apat na Palestinians ang napaslang ng Israeli Forces sa isinagawang raid sa West Bank.
Ayon sa Palestinian authorities, isang ambulance driver din ang nasawi habang patungo sa pagpick-up ng mga nasugatan sa magkahiwalay na pag-atake ng violent Jewish settlers.
Madaling araw ng Biyernes nang simulan ng Israeli Forces ang pinalawig na pagsalakay sa Nur Shams area, malapit sa Flashpoint ng Tulkarm City.
Ayon sa Tulkarm Brigades na binubuo ng iba’t ibang Palestinian factions, nakipagpalitan ng putok ang kani-kanilang fighthers laban sa Israeli Forces.