NAKAPAGTALA ang Metropolitan Manila Development Authority ng mahigit 1,300 na paglabag ng mga sasakyan na nagsusundo at naghahatid sa La Salle Green Hills sa bahagi ng Ortigas Avenue sa San Juan.
Ayon sa MMDA, nakapagala ang No Contact Apprehension Policy o NCAP ng karagdagang 938 Violations mula Hulyo 18 hanggang Agosto 14 sa nabanggit na lugar, bukod pa sa naitalang 403 Violations mula Hulyo 11 hanggang Hulyo 17.
Minimum Wage Earners, dapat bigyan din ng 50% discount sa LRT at MRT
Pumping Station sa Quezon City na itinayo ng DPWH sa Non-Building Area, pinagigiba ng LGU
Luncheon meat, beer galing China nakumpiska ng CIDG; 7 kabilang ang 5 Chinese arestado
Ocular Inspection sa Dolomite Beach, isinagawa ng MMDA, DENR at SMC
Nagpadala na ng liham si MMDA Chairman Don Artes sa pamunuan ng eskwelahan dahil ang mga paglabag na nahuli sa NCAP ay kinabibilangan ng Illegal Parking, Obstruction, at Unauthorized Loading/Unloading sa kasagsagan ng Peak School Hours.
Dahil sa patuloy na paglabag sa batas trapiko ng mga naghahatid-sundo na sasakyan, malaki ang epekto nito sa Traffic Congestion at nakokompromiso hindi lamang ang maayos na daloy ng trapiko kundi pati na rin ang kaligtasan ng mga Commuter.
Hinihikayat ni Artes ang La Salle Green Hills na magpatupad nang mas mahigpit na Internal Traffic Management Measures at bigyan ng kahalagahan ang pagtalima sa Traffic Rules and Regulations.
Bukod dito, hinihimok din ni Artes ang nabanggit na paaralan na makipag-ugnayan sa MMDA upang makapagbalangkas ng Joint Traffic Management Strategies para maibsan ang Traffic Congestion sa lugar.