30 October 2025
Calbayog City
Local

Mahigit 1000 benepisyaryo, nakinabang sa AKAP Payout Event sa Calbayog City

SINAMAHAN ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy si Samar 1st District Rep. Stephen James Tan sa pamamahagi ng kinakailangang financial assistance sa isanlibo at limampung benepisyaryo sa Calbayog Convention Center sa AKAP Payout Event.

Layunin ng Ayuda sa Kapos ang Kita (AKAP) Program na isang mahalagang hakbang para sa Unang Distrito ng Samar, na makatulong upang mapagaan ang pasanin sa gastusin ng mahihirap na pamilya.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).