8 July 2024
Calbayog City
Overseas

Mahigit 10 katao, patay sa pagbagsak ng elevator sa South Africa

PATAY ang labing-isa katao habang pitumpu’t lima ang sugatan sa pagbagsak ng elevator sa South Africa.

Ayon sa mga otoridad, nangyari ang aksidente sa Impala Platinum o Implats sa Rustenburg Mine sa hilagang bahagi ng Johannesburg.

Bumagsak ang elevator dalawandaang metro ang lalim mula sa kinalalagyan nito.

Nagpahayag naman ng pakikiramay si Implats Chief Executive Officer Nico Mauller sa mga pamilya ng mga biktima.

Sa ngayon, inaalam pa ng mga otoridad ang dahilan ng pagbagsak ng naturang elevator.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *