TARGET ng Maharlika Investment Corp. (MIC) na maabot ang 1.78 billion pesos na Gross Returns ngayong 2025.
Matapos matuos ang lahat ng Operating Expenses, Transaction Fees, at Taxes, target ng Sovereign Wealth Fund ng bansa na makamit ang Net Return na 1.01 billion pesos sa pagtatapos ng taon.
Ang Net Return target ay 62.3 percent na mas mababa kumpara sa nailatag ng MIC sa Debut Year nito na 2.68 billion pesos.
Plano rin ng Wealth Fund na maglaan ng halos 35 billion pesos na Investments para maabot ang kanilang target, para sa Net Return na 4.09 billion pesos mula sa kanilang Overall Capital Base.




