NAKATAKDANG gumawa ang Maharlika Investment Corp. (MIC) ng susunod na major business move.
Kaugnay ito sa paparating na 100-million dollar o 5.8-billion peso investment sa 1-billion dollar private equity fund na bubuuin kasama ang Thai Conglomerate na Charoen Pokphand Group Company Limited (CP group).
Rice Tariff Collections, aabot lamang sa 13 billion pesos dahil sa pinalawig na Import Ban sa bigas
PBBM, nilagdaan ang 8 Petroleum Service Contracts na nagkakahalaga ng 207 million dollars
Motorcycle Sales, lumobo ng 11.8 percent sa unang 8 buwan ng 2025
Debt Service Bill ng gobyerno, umakyat sa 665 billion pesos noong Agosto
Sa statement, sinabi ng mic na pagkatapos lagdaan ang Memorandum of understanding kasama ang CP group, ilalatag ang groundwork para sa pagtatatag ng pondo na ang target ay makakalap ng hanggang isang bilyong dolyar na kapital.
Ayon kay Mic President and Ceo Rafael Consing Jr., ang natitirang pera ay magmumula sa CP group at iba pang institutional investors na mayroong interes na mamuhunan.
Aniya, ang upcoming equity fund ay maaring maging potential source of investments sa pilipinas, partikular sa larangan ng agrikultura, food production, digital innovation, at green energy.