NAGHAIN ng panukalang batas ang mga kongresista para ideklara ang multi-tiered Maharlika Falls sa Taft, Eastern Samar, bilang official ecotourism destination.
Kasabay ng pagbibigay-diin sa potensyal nito na makahikayat ng mga bisita at lumikha ng bagong livelihood opportunities para sa mga lokal na komunidad.
Layunin ng House Bill No. 7692, na kilala bilang “Maharlika Falls Tourist Destination Act,” na pormal na isama ang falls sa National Tourism Development Plan at atasan ang Department of Tourism (DOT) na maghanda ng Sustainable Development Program para sa site.
Sina Eastern Samar Lone District Rep. Christopher Sheen Gonzales at 4Ps Party-list Rep. Marcelino Libanan ang nag-introduce ng bill, kasabay ng pagbibigay-diin sa natural na ganda ng talon, cascading tiers, at accessible trekking trails, bilang key factors para sa tourism appeal ng Maharlika Falls.




