1 November 2025
Calbayog City
Entertainment

Magsasakang reporter  ginawaran ng Asia’s Most Versatile and Promising TV Host on Agriculture of the Year

GINAWARAN ng Asia’s Most Versatile and Promising TV Host on Agriculture, Reporter, Columnist and Vlogger of the year si Mer Layson na lalong kilala sa tawag na Magsasakang Reporter na dating Presidente ng Manila Police District Press Corps (MPDPC).

Ang parangal ay ibinigay kay Layson, sa isinagawang 9th Asia Pacific Luminare Awards sa Ballroom Heritage Hotel, Pasay City.

Kinilala ng Asia Pacific Luminare ang malaking ambag ni Layson sa larangan ng Agrikultura hingil sa pagpapalaganap ng Urban Gardening at Organic Farming sa bansa.

Si Layson ang siyang host ng Masaganang Buhay na napapanood sa OnePH Cignal TV at RPTV ng TV-5 tuwing araw ng Linggo.

Kolumnista at Reporter rin si Layson ng Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Group of Publication na nagbibigay ng mga simple at kapaki-pakinabang na tips sa pagtatanim sa iba’t-ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).