PATAY ang kwarenta’y dos anyos na magsasaka makaraang suwagin ng alagang kalabaw, sa bayan ng Las Navas, sa Northern Samar.
Nabatid na maghapon umanong pinag-araro ng magsasaka ang kalabaw, sa Barangay San Andres.
Ayon naman sa pulisya, posibleng matinding init ang dahilan kaya naging agresibo ang hayop.