TUMAMA ang Magnitude 4.6 na lindol sa General Nakar, Quezon, alas dose disi syete ng tanghali, kahapon.
Ayon sa PHIVOLCS, ang lindol na Tectonic in Origin, ay may lalim na sampung kilometro.
Naramdaman ang Intensity 4 sa Makati; Maynila; Marikina; San Pedro, Laguna; at Tanay, Rizal.
Intensity 3 naman sa Navotas; Quezon City; Pasay; San Juan City; Taguig; Guiguinto at Malolos sa Bulacan; Palayan, Nueva Ecija; Mabalacat City, Pampanga; Angeles City; at Biñan city, Laguna.
Habang Intensity 2 sa Caloocan; Mandaluyong; Parañaque; Valenzuela; Obando, Bulacan; at Cabiao, Nueva Ecija.
Ilang mga opisina at gusali sa Metro Manila ang binakante bilang precautionary measure.