MEDYO mababa ang bilang ng mga motoristang lumabag sa Traffic Rules sa unang araw ng pagpapatupad muli ng No Contact Apprehension (NCAP).
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMD), kumpara ito noong nakaraang linggo, kung kailan sinuspinde ang naturang polisiya.
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Sinabi ni MMDA Traffic Enforcement Group Director, Atty. Victor Nuñez, na sa buong maghapon hanggang hatinggabi ng Lunes, umabot sa 1,112 violators ang kanilang naitala.
Aniya, medyo mababa ito kumpara sa 3,900 violations na nai-record noong May 19, kung kailan hindi pa ipinatutupad muli ang NCAP.
Inihayag ni Nuñez na karamihan ng naitalang paglabag sa unang araw ng NCAP ay pagbalewala sa traffic lines at bus lanes, pagsakay sa motorcycle lanes sa Commonwealth Avenue sa Quezon City, at Illegal Loading and Unloading.
