14 March 2025
Calbayog City
Local

Mag-asawa at anak nilang lalaki, patay makaraang masagi ng nag-overtake na kotse sa Basey, Samar; anak na babae, malubhang nasugatan

PATAY ang isang mag-asawa at pitong taong gulang nilang anak na lalaki habang malubhang nasugatan ang anak nilang babae, makaraang masagi ng kotse ang kanilang motorsiklo sa highway sa Basey, Samar.

Ayon sa Pulisya, isang kotse ang nag-overtake sa isang mabagal na sasakyan at aksidenteng nasagi nito ang motorsiklo na sinasakyan ng pamilya, sa Barangay Iba.

Nasa kustodiya na ng mga otoridad ang driver ng nakadisgrasyang sasakyan at nahaharap sa multiple cases of homicide.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *