LUMOBO ng 12.6% ang produksyon ng palay noong ikatlong quarter ng 2025 sa 3.75 million metric tons kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, nakatulong dito ang 15.7% na Increase sa mga lupaing tinamnan ng palay.
ALSO READ:
Gayunman, mas mababa ang Palay Output sa Adjusted Estimate ng PSA na 3.93 million metric tons na inisyu noong nakaraang buwan.
Ang Cagayan Valley ang Top Producer ng palay na may 499,700 metric tons o 13.3% ng kabuuang produksyon.
Sumunod ang Western Visayas na nakapag-produce ng 489,640 metric tons na kumakatawan sa 13.1% at Central Luzon na may 385,100 metric tons o 10.3%.




