LUMOBO ng 6 percent ang business name listings sa Department of Trade and Industry (DTI) sa unang dalawang buwan ng 2026 kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Sa datos mula sa DTI, umabot sa 367,757 ang business name registrations sa ahensya simula Enero hanggang Pebrero.
ALSO READ:
Mas mataas ito kumpara sa 345,903 listings na naitala sa unang dalawang buwan ng 2025.
Sa registered business names hanggang noong katapusan ng Pebrero, 299,921 ang bagong file habang 67,836 ang nagpa-renew.
Malaking bulto ng registered business names noong Enero at Pebrero ay sa wholesale and retail trade na umabot sa 217,840 filings o 59 percent ng kabuuang nagparehistro.




