2 August 2025
Calbayog City
National

LWUA, inatasan ni Pangulong Marcos na papanagutin ang mga palpak na Water Districts

PINATITIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Local Water Utilities Administration o LWUA na mananagot ang mga palpak na Water Districts at kanilang Joint Venture Partners.

Sa kaniyang State of the Nation Address, kahapon, sinabi ni Pangulong Marcos na marami ang reklamo kaugnay sa mahinang suplay ng tubig, at anim na milyong consumer sa bansa ang apektado nito.

Ayon sa pangulo, gumagawa na ng hakbang ang LWUA para mailagay sa ayos ang serbisyo ng tubig sa milyun-milyong residente gayundin ang gawing abot-kaya ang presyo nito.

Sinabi ng pangulo na maraming proyektong nakalatag ng administrasyon para mas mapabuti pa ang suplay ng tubig sa buong bansa.

May sistema na din aniya sa pagsasala ng tubig para makalikha ng malinis na inumin lalo na ang mga naninirahan isla.

Kabilang sa inirereklamo ng mga consumer ang suplay ng tubig ng Prime Water na pag-aari ng pamilya Villar at karamihan sa operasyon ay sa Batangas, Cavite, Bulacan, Pampanga, Pangasinan, Cabanatuan, Tarlac, Camarines Norte, Subic, at iba pang lugar.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.