NAKIISA ang Calbayog City sa obserbasyon ng National Fire Prevention Month sa pamamagitan ng kickoff ceremony na pinangunahan ng Bureau of Fire Protection (BFP) – Calbayog sa City Hall quadrangle.
Kasama ni Mayor Raymund “Monmon” Uy, ang mga city officials, department heads, at city hall employees, sa naturang event na ang layunin ay itaas ang fire safety awareness sa publiko at iba’t ibang tanggapan ng local government unit ng Calbayog.
Napaulat na expansion ng Geothermal Project, itinanggi ng mga opisyal sa Biliran
Mga biyahe sa karagatan sa Eastern Visayas, pinayagan na muli ng coast guard
Illegal gun dealer, patay matapos manlaban sa mga pulis sa Calbayog City
Halos 3 milyong pisong halaga ng tulong pangkabuhayan, ipinagkaloob ng DOLE sa mga grupo ng kababaihan sa Southern Leyte
Sa kanyang mensahe, binati ni Mayor Mon si acting fire safety Marshal Tereso Tuason at mga kasamahan nito sa BFP makaraang makapagtala lamang ng isang insidente ng sunog mula nang mag-umpisa ang 2025 at ang pinsala ay umabot lamang sa pitundaang piso.
Binigyang diin ng alkalde ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos upang maiwasan ang insidente ng sunog, kasabay ng paghimok sa mga tanggapan sa Calbayog City Hall na manatiling mapanuri sa potential fire hazards sa kanilang mga lugar.
Nagpaabot din ng pagbati si Mayor Mon sa mga kababaihan para sa pagdiriwang ng Women’s Month ngayong Marso.
