INANUNSYO ng Department of Education (DepEd) na sinimulan na nila ang pagpapatupad ng mga hakbang upang protektahan ang kalusugan at kapakanan ng mga mag-aaral at personnel sa gitna ng mainit na panahon sa ilang mga lugar sa bansa.
Sinabi ng DepEd na kabilang sa mga naturang hakbang ay pag-adjust ng schedules ng mga klase.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, may ilang mga paaralan na iniurong ang pang-umagang klase mula alas sais hanggang alas diyes ng umaga habang ang pang-hapong klase ay mula alas dos ng hapon hanggang ala sais ng gabi.
Samantala, ang asynchronous learning naman ay mula alas diyes ng umaga hanggang alas dos ng hapon.