NAWAWALA ang lumang kampana sa simbahan ng Sr. San Miguel De Arkanghel, sa Gandara, Samar.
Sa abiso na inilabas sa facebook, posibleng ninakaw ang lumang kampana ng simbahan.
Sa sinumang makakita o alukin na bilhin ang church bell, maaring ipagbigay alam ito sa pulisya o sa parokya ng simbahan sa Gandara.
Para sa mayroong impormasyon tungkol sa kampana, maaring kumontak sa mobile number 0905 851 4175.